Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabibigyan ng separation pay ang mga empleyado ng kumpaniyang Hanjin na mawawalan ng trabaho.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, maibibigay sa 3,800 empleyado ng Hanjin ang kanilang mga benipisyo na nakasaad sa labor code.
Aniya, bibigyan ang mga manggagawa ng separation pay na katumbas ng kanilang isang buwang sahod sa kada taong nagbigay sila ng serbisyo sa kumpaniya.
Sabi ni Bello, makikipagpulong siya sa mga opisyal ng DTI, DOT at DPWH para sa posibleng re-employment ng mga ito sa mga proyekto ng pamahalaan.
Facebook Comments