Serbisyo ng mahigit 5,000 contact tracers, pinalawig ng DOLE

Pinalawig pa ng Labor Department ang kontrata sa pagtatrabaho ng mahigit 5,000 contact tracers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kasunod na rin ito ng apela ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay sa gitna ng banta ng Delta variant sa Metro Manila matapos matukoy ang mga local cases nito sa bansa.


Sinabi ni Bello na extended ng dalawang buwan ang serbisyo ng contact tracers dahil wala pa aniyang sapat na pondo.

Gayunman, kung maisasabatas aniya ng Kongreso ang Bayanihan 3 ay magagawa nilang pahabain pa ng kalahating taon ang serbisyo ng contact tracers.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit ₱200 milyon ang pondong kakailanganin para sa dalawang buwan na trabaho ng mga contact tracers.

Facebook Comments