Normal ang serbisyo ng power transmission sa Luzon grid kasunod ng 5.3 magnitude na lindol na tumama sa Tinaga Island o Vinzons sa Camarines Norte.
Ayon sa system operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), agad silang nagsagawa ng pag-inspeksiyon pagkatapos ng lindol.
Batay sa inisyal na report, walang naitalang nasira sa mga transmission facilities nito.
Wala rin umanong nai-report na power interruption na maiuugnay sa nangyaring pagyanig.
Facebook Comments