Sertipiksyon na sumunod sa konstitusyon ang Articles of Impeachment, hindi pa naipapadala ng Kamara sa Senate impeachment court

Hindi pa naipapadala ng Kamara sa Senate Impeachment Court ang pinagtibay nitong House Resolution No. 2346 na nag-sesertipika na sumunod sa 1987 Constitution ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa isang miyembro ng House prosecution panel na si San Juan Rep. Bel Zamora, inaatasan din ng resolusyon ang Hosue secretary general na mag-isyu ng naturang sertipikasyon na nakabse sa saligang batas ang proseso ng pagpapa-impeach nila kay VP Sara.

Muli, binigyang diin ni Zamora na ang Kamara ay hindi sumusuway sa anumang direktiba ng Senate impeachment court pero nais nilang maliwanagan ang hakbang nito na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment sa halip na simulan na ang paglilitis.

Facebook Comments