
Ibinabala ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang panganib na maaring ihatid ng isinusulong na pansamantalang paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa detention facility ng International Criminal Court o ICC.
Paliwanag ni Castro, kahit saan mang bahagi ng mundo ilagay si former President Duterte ay patuloy nitong mapagbabantaan ang mga biktima at testigo sa kanyang mga krimen laban sa sangkatauhan.
Diin pa ni Castro, kapag nakalabas sa piitan ay magkakaroon din ng pagkakataon si dating Pangulong Duterte na maghasik ng mga maling impormasyon na makakaapekto sa proceddings ng ICC.
Kaugnay nito, nananawagan naman si ACT Teachers Party-list Representative-elect Antonio Tinio sa mga bikitma, human rights organizations, at sa mga nagsusulong ng hustisya na aktibong tutulan ang petisyon para pansamantalang makalaya si dating Pangulong Duterte.