Service fee sa online money transfer, dapat suspindihin muna sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19

Pinapasuspinde ni Senator Win Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa mga banking community ang koleksyon ng mga bayarin sa online money transfers habang patuloy na dumarami ang mga kaso ng COVID-19.

Paliwanag ni Gatchalian, paraan ito para maengganyo ang ating mga kababayan na manatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumamit ng electronic banking upang mabawasan ang mga face-to-face na transaksyon.

Diin ni Gatchalian, daan ito para mas mapabilis ang serbisyo, at makaiwas pa sa sakit ang publiko.


Subalit ayon kay Gatchalian, karamihan ay may mga hinaharap na karagdagang mga gastusin gaya ng pambili ng gamot, COVID-19 testing fees at pagpapa-ospital.

Kaya naman giit ni Gatchalian, makakagaan kung ang mga money transfer services ay wala munang service fee bilang pansamantalang tulong sa publiko.

Ang rekomendasyon ni Gatchalian ay naisagawa na rin dati ng BSP at ng BSP-supervised financial institutions noong isinailalim ang kalakhang Maynila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Abril hanggang Mayo ng 2020.

Facebook Comments