Wednesday, March 4, 2026

Serye ng pagtaas ng presyo ng langis, wala gaanong epekto sa galaw ng presyo ng kuryente —DOE

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na walang gaanong impact sa presyo ng kuryente ang pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, ang transportasyon ang pinakatatamaan ng serye ng oil price hike.

Ipinaliwanag ng kalihim na 65% kasi ng konsumo sa langis ng bansa ay napupunta sa transportasyon, habang 3% lamang sa power generation.

Sa kabila nito, iginiit ni Garin na kanila pa ring isinusulong ang renewable energy targets.

Facebook Comments