Sesame Street, opisyal ng kalsada sa New York

MASASAGOT na ang katanungang “Can you tell me how to get, how to get to Sesame Street?” 

Puwede nang puntahan sila Big Bird, Elmo, Bernie, Ernie, at Cookie Monster sa intersection ng West 63rd Street at Broadway, New York City.

Bilang pagbibigay-pugay sa golden anniversary ng longest-running children’s program, pinalitan ni NYC Mayor Bill de Blasio ang pangalan ng Manhattan intersection sa Sesame Street. Kasama sa mga dumalo sa inauguration sina Big Bird, Elmo, Bert, Ernie at iba pa nilang mga ka-barkada.

Aniya, 50 years nang inspirasyon ng mga bata at tinutulungan na mapabuti ang buhay ng ibat’-ibang mga tao ang all-time favorite show ng nakararami. Taong 1969 nang unang ipalabas sa telebisyon ang Sesame Street.

 

Facebook Comments