Shabu at mga armas, nakumpiska sa mga kamag-anak ng napatay na si Mayor Reynaldo Parojinog

Manila, Philippines – 10 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 50 milyong piso at isang katutak na armas ang nakumpiska ng Ozamiz PNP sa magkakasabay na raid sa mga tahanan ng pinaghihinalaang supporters ng mga Parojinog sa Ozamiz City, Misamis occidental .

Ayon may Ozamis City Chief of Police Chief Inspector Jobie Espenido ang kontrabando ay nakumpiska sa pagpapatupad ng mga operatiba ng Ozamiz City Police station ng Search Warrant No. 00-2017 sa mga tahanan ng mga suspek.

Inaresto sa operasyon sina Melodin Malingin and Gaudencio Malingin matapos ma-recover sa kanilang bahay ang 8 plastic bags na naglalaman ng 8 kilo ng pinaghihinalaang shabu at isang 1 rolled aluminum foil.


Nakuha naman sa tahanan ni Maychell Parojinog Gumapac pamangkin ni Mayor Espinoza na nananatiling at-large, ang 2 plastic bag na naglalaman ng 2 kilo ng pinaghihinalaang shabu.

Mula naman sa bahay ni Manuelito, Rizalina at June Francisco na at-large din, na-recover ang 1 M4 Boost Master, 3 short m16 magz, 1 bandoler, 90 pcs live ammo ng m16, 2 rifle grenade launcher, 3 live ammo ng m203 grenade at 20 empty cartridge of m16.

Habang nakuha sa bahay ni Ricardo Parojinog nakababatang kapatid ni Mayor at Christopher Parojinog anak ni mayor Espinoza na nanatiling at-large, ang 1 m16 rifle, 1 steel short magz, 19 live ammo ng 5.56 cal at 1 hand grenade.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-9:00 hanggang alas-diyes kagabi.

Facebook Comments