2-anyos na babae, ibinugaw at minolestiya umano ng sariling tiyuhin

1316
Stock photo from Getty Images

Kalaboso ang isang lalaki sa Ermita, Manila makaraan umanong ibugaw at molestiyahin ang dalawang-taong-gulang ng pamangkin.

Hindi na pumalag sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek nang arestuhin siya noong Lunes ng gabi.


Inamin ng lalaki na ibinubugaw niya ang pamangkin sa mga “parokyano” para matustusan ang araw-araw na pangangailangan.

Pero batay sa imbestigasyon ng awtoridad, matagal nang ginagamit ng salarin ang biktima sa child pornography at kumikita raw ito sa halagang $200 o P1,000 pataas.

Sa panayam kay Janet Francisco, hepe ng NBI-Anti Human Trafficking Division, inili-live stream ng suspek ang maselang ginagawa sa kaawa-awang paslit habang vini-videohan ito ng customer na pawang dayuhan.

Inamin ng nanay ng musmos na wala siyang alam sa sinapit ng anak sa tiyuhin.

Aniya, ito ang nag-aalaga sa supling habang nasa trabaho siya.

Nasa kostudiya ng NBI ang suspek at sasampahan ng kasong human trafficking.

Facebook Comments