Gilas Pilipinas Women, wagi sa laban kontra India sa 2021 FIBA Womens’ Asia Cup

Wagi ang Gilas Pilipinas Women’ kontra koponan ng India sa 2021 FIBA Womens’ Asia Cup sa iskor na 74-70 na ginanap sa Amman, Jordan.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagkatalo sa China, Australia, at Chinese Taipei.

Pinangunahan ni Janine Pontejos at Khate Castillo ang nasabing laro na nakapagtala ng parehong 22 puntos.


Dahil dito, mananatili sa Division A ang Gilas at naiwasan ang pagbaba sa Division B sa tnasabing tournament.

Pinapurihan naman ni Gilas Pilipinas Women head coach Patrick Aquino ang ipinakitang galing ng grupo at sinabing hindi sila titigil hangga’t hindi nasusungkit ang inaasam na pagkapanalo.

Facebook Comments