SHOCKED | Kampo ni BBM, nagulat sa deklarasyon ng PET

Manila, Philippines – Labis na ikinagulat ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang inihayag ng Presidential Electoral Tribunal na may sinimulan at natapos ng imbestigasyon sa swimming party sa Pansol, Laguna.

Kasunod ito ng naging pagbasura ng PET sa Motion to Investigate ni Marcos sa Pansol outing.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, bilang Protestant, inabisuhan man lamang sana ni Justice Caguioa si Marcos na may nasimulan ng pagsisiyasat.


Aniya, bulag sila sa kung sino ang namuno sa investigation, kung ano ang napalitaw na paglabag at kung ano ang iminungkahing kaparusahan.

Giit pa ni Atty Rodriguez na ang paghaharap nila ng Manifestation ay patunay na naitago sa kanila ang naging aksyon umano ng tribunal.

Ang pahiwatig ni Robredo sa kaniyang Counter-Manifestation na batid nito ang investigation gayundin an ipinataw na parusa ay nagpapalakas sa kanilang hinala na may access si Robredo sa mga sensitive at confidential information sa PET.

Facebook Comments