Ito ay nilahukan ng iba’t-ibang shooters ng Pilipinas at isa na rito si PFC Domingo na shooter at mentor mismo ng 5th DTS ng 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army.
Umabot sa kabuuang 392 ang kalahok sa kategoryang handgun kung saan dalawa ang galing sa 5ID kabilang na si PFC Domingo ng DTS.
Ang Glock Invitational 2022 ay may basbas mula sa International Practical Shooting Confederation (IPSC) na pinakamalaking shooting sport association sa mundo; pinakamalaki at pinakamatanda sa loob ng praktikal na shooting.
Para kay PFC Domingo, kinikilala niyang ambag sa kanyang tagumpay ang motibasyon mula sa kanyang mga mentors sa DTS.
Sinabi pa ni PFC Domingo na anumang transpormasyon niya ngayon ay gagamitin at ibabahagi rin niya sa kanyang trabaho sa DTS.
Ayon pa sa bagong kampeon, malaking bagay ang ginagawa niyang ensayo bilang paghahanda.
Ang Glock Invitational 2022 ay accredited ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA).