SHORT LIST | Listahan para sa susunod na Chief Justice, nakarating na sa Malacañang

Manila, Philippines — Natanggap na ng Office of the Executive Secretary ang short list ng Judicial and Bar Council para pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Alas-dos ng hapon nakarating sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang short list kung saan nakalagay ang mga pangalan nila Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro, Justice Diosdado Peralta at Justice Lucas Bersamin.
Hindi pa rin naman ito personal na natatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nasa Davao City ang Pangulo.
Nabatid naman na ang tatlong nasa short list ng JBC ay mayroong kinakaharap na impeachment complaint sa kongreso na nag-ugat naman sa pagboto nila pabor sa Quo Warranto petition laban kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Facebook Comments