SHOWBIZ BALITA | Anne Curtis at Karylle, absent sa kasalang Billy at Coleen

Manila, Philippines – Usap- usapan ngayon sa social media ang pagiging missing in action ni Karylle at Anne Curtis sa kasalang Billy Crawford at Coleen Garcia na ginanap kagabi.

Sa isang instagram picture, makikitang present lahat ng showtime host at tanging ang wala lamang at si Anne at Karylle.

Sa social media post ni Anne, napag alaman na nasa London ito at dadalo sa isang fun run. Habang kasama naman ni Karylle ang kaniyang asawa na si Yael sa fan meet event ng Hollywood Actor na si Cole Sprouse na ginanap dito sa Pilipinas.


Matatandaang noong kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff noong nakaraang taon, hindi rin nakadalo si Billy at Coleen.

Facebook Comments