WAGI | Filipino fighter na si Kevin Belingon, tinalo ang American fighter na si Andre Leone

Manila, Philippines – Wagi ang filipino fighter na si Kevin Belingon nang makatunggali nito ang American fighter na si Andre Leone sa pinaglabanang one championship bantamweight crown na ginanap sa Mall of Asia area.

Pinahirapan ni Belingon si Leone sa opening round pa lamang makaraan niya itong agad na mapatumba.

Nahirapan si Leone sa mga naging atake ng Filipino fighter kung saan nagtamo pa ito ng sugat sa taas ng kaliwang mata.


Sa second round, hindi na nakabawi pa si Leone sa sunod-sunod na atake ni Belingon, kaya at ang mismong referee na ang nagpahinto ng laban.

Facebook Comments