SHOWBIZ BALITA | Gladys Reyes, nagpaliwanag sa hindi nito pagdalo sa 40th birthday ni Judy Ann Santos

76

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang aktres na si Gladys Reyes kung bakit hindi ito nakasipot sa 40th Birthday ng kaniyang kaibigan na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Say ni Gladys, birthday din kasi ng bunsong anak nila ni Christopher Roxas at inabot na ng gabi bago matapos ang selebrasyon kaya at nahiya na din siyang tumuloy sa party ni Juday.

Dagdag pa ni Gladys, alam daw niyang maiintindihan ito ni Judy Ann na isa sa mga itinturing niyang tunay na kabigan dahil isa na rin itong nanay.

Happy naman daw si Gladys dahil sa mga naabot nila ni Judy Ann na halos kasabay niyang makilala sa mundo ng Showbiz.

Facebook Comments