SHOWBIZ | Paglipat bakod ni Derek Ramsey, usap-usapan; Jay-R at Mica Javier, engaged na

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media na maglilipat bakod na naman ang aktor na si Derek Ramsay.

Nabatid na patuloy na nakikipag-negosasyon ang kampo ni Derek sa Kapuso network at posibleng sa susunod na linggo daw ay malalaman na ang resulta ng pag-uusap ng dalawang panig.

Pero hanggang ngayon naman ay tikom pa rin ang bibig ni Derek sa nasabing isyu.


Samantala, engaged na ang RNB singer na si Jay-R sa longtime girlfriend nito na si Mica Javier.

Naganap ang proposal ni Jay-R sa isang hotel sa Maynila kung saan sinaksihan ito ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Isinabay ng singer ang proposal para sa music video shoot nito.

Ilan naman sa mga dumalo sa engagement ay ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, Kris Lawrence, Jason Dy, Karylle, Denise Laurel, Karla Estrada at Jaya.

Facebook Comments