NBA | Ilang players ng Lakers at Rockets, posibleng mapatawan ng parusa

Posibleng masuspindi ng ilang laro ang ilang players ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets matapos na mauwi sa suntukan ang kanilang laban.

Sa ulat, nagsimula ang gulo ng magkasagian sina Brandom Ingram ng Lakers at James Harden ng Rockets sa huling 4:13 minutes ng laro.

Dahil dito, tinawagan ng technical foul si Ingram kaya at nagkasagutan at nagkainitan sina Rajon Rondo ng Los Angeles at Chris Paul ng Houston.


Dito na nagsuntukan sina Paul at Rondo kung saan tumulong din si Ingram at naawat lamang sila ng mamagitan ang ilan nilang kakampi.

Magkaganoon pa man, nagawa pa din ng Rockets na manalo sa score na 124-115.

Facebook Comments