Siargao, bubuksan na rin sa mga turista

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na bubuksan na rin sa mga turista ang Siargao na itinuturing na surfing capital ng Pilipinas.

Epektibo sa Lunes, November 23, ay tatanggap na muli ng mga bisita ang Siargao.

Tiniyak naman ng Tourism Department na mahigpit na paiiralin ang minimum health protocols sa mga bisitang tutungo ng Siargao.


Una nang binuksan sa mga turista ang Boracay Island sa Aklan bagama’t limitado lamang ito sa mga lokal na turista.

Sa ngayon kasi ay mahigpit pa rin na ipinagbabawal ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista.

Facebook Comments