SIBAK! | 7 opisyal ng BOC na nagtangkang magpuslit ng asukal, sinibak

Manila, Philippines – Pitong opisyal ng Bureau of Customs (BOC) mula Port of Manila ang pansamantalang sinibak sa serbisyo dahil sa umano ay tangkang pagpupuslit ng 15-milyong pisong halaga ng asukal.

Mismong si BOC Commissioner Isidro LapeƱa ang nag-utos na magsagawa ng re-examination sa alerted shipment matapos maghinalang dinoktor ang pirma ng isang deputy commissioner para rito.

Nang buksan, sampu sa 28 container ang napag-alamang misdeclared.


Idineklara itong semento sa paggawa ng bricks pero asukal pala ang laman ng shipment na galing pa ng Thailand.

Samantala, tiniyak ni LapeƱa na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga sinibak na opisyal oras na mapatunayan sa kanilang imbestigasyon ang tangka nilang pandaraya sa gobyerno.

Facebook Comments