Sibilyan na nailigtas ng binuong peace corridor sa pagitan ng gobyerno at MNLF, umabot nasa 134 na sibilyan

Manila, Philippines – Umabot na 134 na sibilyan na ang nailigtas sa binuo ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ‘peace corridor’.

Ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Asec. Dickson Hermoso – matapos pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na itatag ang ‘peace corridor’, nagpadala ang gobyerno at MILF ng emisaryo sa mga terorista para makipagnegosasyon kung pwedeng magligtas ng sibilyan.

Ayon naman kay MILF Implementing Panel Member Marjanie Macasalong – ang kanilang miyembro ang nagsusundo sa mga sibilyang naiipit sa bakbakan.


Ang ‘peace corridor’ ay nagsisilbing ‘tulay’ kung saan pwedeng tumawid ang mga magbibigay ng humanitarian aid sa mga naipit sa bakbakan sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments