Side trip ni Presidential Spokesman Harry Roque Sa Subic, ipinagtanggol ng SBMA

Ipinagtanggol ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority si Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa side trip nito sa Ocean Adventure sa Subic na umani ng batikos sa social media.

Nabatid na pinuna ng mga netizen ang tila kawalan ng delicadeza ni Roque makaraang magpost siya sa social media ng picture ng pagsu-swimming kasama ng mga Dolphins nang pumasyal sa Ocean Adventure, kahit panahon ng pandemya.

Sa interview ng RMN Manila kay SBMA Chairman at Administrator Atty. Wilma Eisma, sinabi niya na walang siya nakikitang mali sa pagbisita ni Roque sa lugar.


Binigyan diin ni Eisma na nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine ang Subic, Zambales kung saan batay sa Inter-Agency Task Force guidelines ay pinapayagan na ang pagbu-bukas ng mga hotel at resort.

Una nang sinabi ni Roque na hindi niya intensyon na makasakit ng damdamin ng publiko sa kanyang pagbisita sa Ocean Adventure.

Giit nito, napadaan lang siya sa resort nang pumunta sa Mariveles, Bataan para sa kanyang agricultural business.

Facebook Comments