Monday, February 2, 2026

“Significant update” sa kaso ng policewoman at sa 8 taong gulang nitong anak na parehong pinaslang, hawak na ng PNP

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) sa hawak na nilang “significant update” sa kaso ng policewoman at sa walong taong gulang nitong anak na parehong pinaslang.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inaasahan na ngayong araw ay makakasuhan na ang mga hawak nilang pangalan na sangkot sa nasabing krimen.

Ngunit, tumanggi munang sabihin ni Nartatez ang mga susunod nilang hakbang at tiniyak na patuloy ang kanilang pagtatrabaho sa nasabing insidente.

Nabatid na apat ang naging suspek sa nasabing krimen na kinabibilangan ng isang car agent, asawa nitong dismissed na pulis, kanilang helper, at ang dating asawa ng nasawing policewoman na isa ring pulis.

Naiulat na huling nakita ang mag-ina noong Enero 16 at nang matapos mawala ay nakita na lamang ang bangkay ng nasabing policewoman sa isang creek sa Bulacan at ang katawan naman ng 8 taong gulang nitong anak ay natagpuan sa isang calamansi farm sa Tarlac.

Facebook Comments