Siguridad sa area of responsibility ng 1002nd Brigade Phil. Army mas hinigpitan matapos ang landmine explosion sa Kidapawan

*General Santos City——- Mas hinigpitan pa ngayon ng 1002nd Birigade Philippine Army ang kanilang security patrols lalo na ang siguridad ng kanilang mga tauhan matapos ang pagsabog ng isang landmine sa Kidapawan City kahapon kung saan isang pulis at isang non-uniformed personnel ng Arakan Municipal Police Station ang sugatan.*

*Ayon kay Col. Tyne Bañas, ang commanding officer ng 1002nd Brigade, patuloy ang kanilang ginagawang combat operations sa kanilang area of responsibility.*

*Dagdag pa nito nga hindi lamang ang mga lugar na kanilang hawak ang kanilang binabantayan kundi maging ang siguridad ng kanilang tropa kung asa ang mga marked vehicle di umano ng sundalo ang hindi lumalabas ng kampo na mag-isa upang masigurong hindi mabiktima ng mga rebeldeng grupo.*


*Kung maaalala mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pinagdududahang responsable sa nasabing pagsabog ng landmine kung asa malakai ang posibilidad na tropa ng gobyerno ang target.*

*Maliban dito, ay patuloy ang ginagawang pagbabantay ng kasundaluhan sa mga beach resort ng probinsya ng Sarangani kahit na ikinansela na ng provincial government ang pinakamalaking beach party ng bansa na Sarangani bay Festival.*

*Ayon pa sa nasabing opisyal na kahit na kinansela ang sarangani bay festival, mayroon pa ring iilan na bumisita sa iba’t ibang resort sa probinsya lalo na ang mga nakapag-booked na bago pa man makansela ang nasabing aktibidad.*

*Pag-amin nito na hanggang sa ngayon ay naandyang parin ang presensya ng rebeldeng NPA kung kaya’t padtuloy ang kanilang papgpapatrolya dahil sa posibilidad na gamitin ng nasabing grupo ang anumang pagkakataon upang makabiktima ng mga turista sa probinsya. (LORE MAE V. ROMUALDO)*

Facebook Comments