
Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tinangka siyang kausapin ng dalawang pulitiko sa Central Luzon na hinihinalang mastermind at financier ng malaking ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga.
Ayon kay Remulla, ayaw niya pang kausapin ang mga naturang pulitiko habang pina-finalize pa ng kanyang tanggapan ang money trail at linked chart sa nasabing imbestigasyon.
Dagdag pa ng kalihim, sobrang tiyak ang kanyang team sa pagkakasangkot ng mga hindi pinangalanang pulitiko sa ilegal na operasyon ng pabrika.
Aniya, nakuha ang impormasyon mula sa mga kaibigan ng nasabing mga pulitiko, at tiniyak niya na walang nangyaring suhulan sa pagtatangkang makausap siya.
Facebook Comments










