Dinagsa ng mga deboto ang Simbahan ng Quiapo sa pagsasagawa ng misa ngayong unang Biyernes ng taong 2024.
Tulad ng naunang plano, ang entrance o pagpasok ng mga deboto ay magmumula sa Villalobos Street habang ang labasan ay sa gilid ng Simbahan o sa may bahagi ng Carriedo at Quezon Blvd.
Mula sa Plaza Miranda hanggang sa loob ng simbahan ay ipinapatupad ang physical distancing kung saan ilam sa mga deboto ay nakasuot na rin ng face mask.
Bantay sarado naman ng mga tauhan ng MPD at iba pang force multipliers ang buong paligid, loob at labas ng simbahan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.
Ang mga hijos del Nazareno naman ang namamahal upang maging maayos ang pila habang patuloy ang kanilang mga paalala sa mga deboto hinggil sa mga patakaran na iniltag sa pagtungo sa Quiapo Church.
Nagsimula naman ang unang misa ng alas-4:00 ng madaling araw at magtutuloy-tuloy ito ng hanggang alas-8:00 ng gabi.
Sa ngayon, maluwag at maayos naman ang daloy ng trapiko pero posibleng bumigat ito mamaya kasabay ng oras ng pagpsok sa trabaho o rush hour.