Hindi didiktahan ng Simbahang Katolika ang mga kasapi nito kung sino ang dapat na boto sa sa Eleksyon 2022.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio David, hindi sila ang magdedesisyon para sa mga mananampalataya at sa halip ay magbibigay lamang ng gabay at suhestiyon batay sa konsiyensya at tamang impormasyon.
Aniya, desisyon ng bawat isa ang pag-endorso sa kandidato ngunit bilang kristiyano ay dapat sundin ang prinsipyo ng pagpapahalaga sa katotohanan, kalayaan, at katarungan.
Dagdag pa ni David na hindi rin nila pipigilan ang mga pari na aktibong sumusuporta sa mga kandidato pero hindi dapat gamitin ang pulpito sa pangangampanya dahil para lamang ito sa paghahayag ng mabuting balita.
Facebook Comments