Simbahang katolika, masaya sa desisyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng same sex marriage sa bansa

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang puwang sa ngayon ang same-sex marriage sa bansa.
 
Ayon kay Duterte – tanging sa pagitan ng lalaki at babae lamang ang pinahihintulutan ng kasal.
 
Kinastago rin ng pangulo ang pagpapalit ng kasarian o sex change ng lalake at babae na bahagi aniya ng ‘western culture’ na ipinipilit na ipasok sa isipan ng mga tao sa asya.
 
 
Dahil dito, naniniwala si ACT teachers Rep. France Castro – pinaasa ni Pangulong Duterte ang Lesbians, Gays, Bisexual and Transgender (LGBT) community.
 
Nabatid noong panahon ng kampanya ay sinabi ng pangulo na suportado niya na maipatupad ang same sex marriage sa bansa.
 
Samantala, ikinagulat naman ng simbahang katolika ang pagbaligtad ng pangulo kung saan patunay ito na patuloy na nananalig sa katolikong idelohiya ang pangulo.
 
 

Facebook Comments