Simbahang Katolika, Tinawag Na “Barbaric” Ang Naging Pahayag Ni Pangulong Duterte Na Gusto Niyang Pumatay Ng Hanggang An

MANILA – Kinondena ng simbahang katoliko ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay ng lima hanggang anim na kriminal, kada araw sa oras ito na maibalik ang parusang bitay.Sa isang interview, sinabi ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Executive Secretary Fr. Jerome Secillano – masyadong “barbaric” ang gusto ng pangulo.Anya – tiyak na mababansagang “death penalty capital” ang Pilipinas sakaling gawin ito ng pangulo.Ikinaalarma din ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibilang ng mga bibitayin.Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, dapat pahalagahan ang buhay ng tao.Giit pa ng CHR – ang epektibong pagpapatupad ng batas ang tunay na solusyon sa problema ng ilegal na droga at krimen.

Facebook Comments