MANILA – Sa kabila ng tumitinding krimen sa bansa… nanatiling matatag ang posisyon ng simbahan na pagkontra sa panukala ng Administrasyong Duterte na muling pagbuhay sa death penalty.Sa interview ng RMN kay Archbishop Oscar Cruz, ipinaliwanag niya na hindi nagbabago ang desisyon ng simbahan kaugnay sa pagbitay sa mga bilanggo.Kaugnay nito, naniniwala si Cruz na posibleng maparusahan ng United Nations (UN) ang Pilipinas kapag pinilit ng Duterte Administration ang panukala na una nang kinondena ng U-N.Una nang ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mareresolba ang krimen sa bansa sa pamamagitan ng bitay.Naniniwala sila na masusugpo ito sa pamamagitan ng matibay na batas at epektibong mga otoridad na lalaban sa mga kriminal.
Simbahang Katoliko, Nanindigang Matigas Sa Pagkontra Sa Mulingh Pagbuhay Sa Death Penalty
Facebook Comments