Nagpatupad ng ilang adjustments ang Simbahang Katolika para sa kaligtasan ng mga dadalo ng “Simbang Gabi” ngayong Christmas season.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Spokesperson Fr. Jerome Secillano, maraming misa ang gagawin para maiwasan ang overcrowding.
Sa ilalim ng umiiral na regulations, 30% lamang ng kapasidad ng simbahan ang ipatutupad para matiyak na nasusunod ang social distancing.
Sa Quiapo Church, ang simbang gabi ay isasagawa alas-4:00 ng umaga, alas-5:15 ng umaga, alas-6:30 ng umaga, simula December 16.
Mayroon ding misa na gagawin sa alas-6:00 ng gabi, alas-7:15 ng gabi, at alas-8:30 ng gabi simula sa December 15.
Facebook Comments