SIMPLE ANG BATAYAN | Award na iginawad ng UST alumni Association Kay Presidential Communications Asec. Mocha Uson, pinag-aaralang bawiin

Manila, Philippines – Nagpatawag ng emergency board meeting ang University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) sa gitna ng pagtuligsa sa pagkilalang iginawad ng organisasyon kay Presidential Communication Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay USTAAI Head Henry Tenedero, tatalakayin muna ng kanilang officers at mga miyembro kung babawiin o hindi ang pagkilala kay Uson.

Aniya, inimbitahan din nila sa pagpupulong ang ilan sa mga umalma sa social media.


Paliwanag ni Tenedero, simple lang naman ang naging batayan nila para mabigyan ng thomasian alumni award for government service.

Aniya, dapat ay nagtapos sa UST at nasa legislative, judiciary at executive branch ng gobyerno.

Samantala, nilinaw ng UST public affairs office na hindi sila ang nagbigay ng pagkilala kay Uson.

Ang nagbigay anila ng pagkilala ay Uson ay ang UST AAI na isang korporasyon na iba at hiwalay sa UST.

Mayroon anila itong hiwalay na board of trustees at hindi nakiki-alam dito ang unibersidad.

Facebook Comments