SINADYA? | Record ni Sen. Trillanes sa amnesty posibleng winala – Alejano

57

Manila, Philippines – Hindi malayo na posibleng sinadyang winala ng pamahalaan ang record ni Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa usapin ng kanyang amnesty dahil sila umano ang may responsibilidad sa naturang record.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Alejano na maaring sinadyang winala talaga ng gobyerno ang record ni Trillanes upang maibalik ang senador sa kulungan.

Paliwanag ni Alejano na nasa gobyerno ang lahat ng mga record kaugnay sa kanilang pag-apply ng amnesty kaya hindi dapat isisi kay Trillanes kung wala siyang record kaugnay sa naturang programa.

Naniniwala rin si Alejano na may kaugnayan rin ang pagbitbit ni Pangulong Duterte sa mga heneral sa Israel sa pagwalang bisa sa amnesty ni Trillanes.

Facebook Comments