BANTAY-TRILLANES | Pagdinig para sa HDO at arrest warrant sa senador, itinakda sa September 13

235

Manila, Philippines – Itinakda ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang pagdinig sa mosyon ng DOJ na humirit sa pagpapalabas ng alias warrant of arrest at HDO laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Makati City Branch 148 clerk of court Atty. Ma Rodora Peralta sa September 13 itinakda ang pagdinig sa mosyon ng DOJ.

Matatandaang ipinadadakip na si Senador Trillanes matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang iginawad dito hinggil sa kasong rebelyon kaugnay ng Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege noong 2003.

Facebook Comments