SINAG: Sen. Imee Marcos, italagang susunod na kalihim ng DA

Iminungkahi ng isang agricultural group na italaga bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Senator Imee Marcos.

Ayon kay SINAG President Rosendo So, nakikita nila ang ginagawang pagtulong ng kapatid ng presidente sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Sa kasalukuyan, si Pangulong Bongbong Marcos ang namumuno sa DA habang wala pang itinatalagang permanenteng kalihim.


Samantala, wala pang komento ang senadora sa mungkahi ng SINAG pero iginiit nitong ginagawa nila ang lahat para matapos na ang problema sa agricultural smuggling.

Facebook Comments