SINALAKAY | Mga pampasabog, nakumspika sa bahay ng miyembro ng NPA sa Maddela, Quirino

Maddela, Quirino – Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa 43 iba’t-ibang uri ng pampasabog sa bahay ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maddela, Quirino.

Sa ulat, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang bahay ni Kevin Nilo kung saan nakuha din sa pag-iingat nito ang isang .45-caliber na baril anim na cellphone at isang laptop na ginagamit ng mga rebelde.

Todo tanggi naman ang suspek na sa kaniya ang baril pero hindi naman niya maipaliwanag kung bakit may itinatago siyang mga pampasabog.


Inaalam na ngayon sa suspek kung sino ang source nito at kung ano ang plano ng mga rebelde.

Facebook Comments