Sinampahan ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang dating Alkalde ng Carigara, Leyte na si Anlie Go Apostol.
Ang kaso ay nag-ugat sa P5.4 Million na halaga ng materyales para sa rehabilitasyon ng small water impounding project sa Barangay Binibihan, San Isidro at Paglaum sa munisipalidad ng Carigara.
Ang nasabing construction materials ay binili sa New Leyte Ever Hardware.
Kahit wala pang delivery ng construction materials, inatasan ni Apostol ang Chief Administrative Officer ng Munisipalidad na si Crescente Precia para pirmahan ang acceptance at inspection report para mabayaran ang New Leyte Hardware.
Ayon naman sa Office of the Ombudsman, malinaw na labag ito sa batas kaya inirekomenda dito ang pyansang P30,000.
Facebook Comments