Manila, Philippines – Sinimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang paghaharap ng administrative case sa Office of the Ombudsman laban sa mga Barangay official na nasa narco-list.
Unang sinampolan ng PDEA ay si punong barangay Alvin Manalac ng Tinajeros, Malabon.
Sa isang press conference, Sinabi PDEA NCR Director Ismael Pajardo Jr.kumbinsido ang PDEA at DILG na nagpabaya si Manalac tungkulin dahil sa paglaganap ng illegal drugs operations at pagkakadiskubre ng isang shabu at ecstacy laboratory noong Abril 13 sa kaniyang Barangay.
Nabigo din si Manalac na ilagay sa kanyang barangay anti drug abuse council o BADAC report ang identity ng mga pushers at users sa kanyang barangay sa kabila ng mga inisyung search warrants bilang mga protector at coddler.
Patong patong na kaso ang isinampa kay Si Manalac sa Ombudsman Kabilang ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa article 171 o falsification by public officer, employee or notary ng revised penal code, gross negligence and deriliction of duty, gross neglect of duty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ang pagsampa ng kaso kay Manalac ay simula pa lamang at asahan na masusundan pa ito sa mga susunod na linggo.