Sinara sa publiko ang Guadalupe Commercial Complex matapos magkaruon ng sunog sa loob ng isang tindahan

Alas 3:30  ng hapon nag takbuhan palabas ang mga tao pati mga nag titinda sa groud floor Guadalupe Complex.

 

Itoy matapos magkasunog sa VMZ business centre isang  bilihan ng school supplies at mga pang regalo.

 

Ayon kay Fetcorin OIC ng security personel sa nasabing mall, kahapon ganito din ang nangyari sa kaparehong pwesto.


 

 

Una sa ilaw nagsimula ang apoy habang sa ikalawa naman ay  sa  aircon sa entrance nagsimula.

 

Ayon sa BFP Makati malinaw na may problema sa wiring kayat posibleng ipasara muna ito pansamantala habang nagpapatuloy pa ang imbistigasyon.

 

Nag papasalamat naman ang mga nagtitinda o may pwesto sa nasabing mall dahil praktisado at mabilis kumilos ang guwardya  kung saan napatay ang apoy gamit ang fire extinguisher.

 

 

Samantala hindi tumunog ang alarm o hudyat na kaylangan ng lumikas sa ilang bahagi ng mall.

 

Kabilang na sa 4th floor kung nasaan ang himpilan ng DZXL 558 RMN Manila.

Facebook Comments