Inaprubahan ng gobyerno ng Singapore ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga edad 5 hanggang 11.
Ito ay matapos maabot na ng Singgapore ang pagbabakuna sa 87 percent ng 5.5 milyon populasyon nito.
Ayon sa health minister ng Singapore, sisimulan ang pagbabakuna sa nasabing age group bago matapos ang Disyembre.
Gaya ng ginagawa sa Amerika, magiging on-third lamang ang dosages na gagamitin sa mga bata.
Nauna nang inaprubahan noong Nobyembre ng gobyerno ng Singapore ang Pfizer BioNTech na gagamitin sa pagpapabakuna sa mga bata.
Facebook Comments