Inanunsyo ni Labor Attaché Saul de Vries na may abiso na ang Singapore government na nangangailangan ito ng mga karagdagang vaccinators.
Ito ay bagama’t muling nagbalik sa mas mahigpit na restrictions ang pamahalaan ng Singapore dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 doon.
Sa record ng Philippine Overseas Labor Office sa Singapore, sinabi ni De Vries na may aprubado na silang 230 slots para sa mga vaccinators.
Gayunman, sa ngayon aniya ay hindi pa rin makapag-deploy ng Filipino vaccinators sa Singapore dahil sa umiiral na suspension sa pagtanggap ng mga foreign workers, sa Hulyo ay maglalabas ng bagong policy statement ang Singapore government at dito malalaman kung papayagan nang makapasok doon ang mga foreign workers kabilang ang mga Pinoy.
Kasama kasi ang Pilipinas sa mga tinukoy ng Singapore na high risks countries dahil sa mataas na COVID cases sa bansa
Ayon kay De Vries, SGD 1,800 – 2,500 o P63,000 ang sahod sa mga makukuhang vaccinators sa Singapore.
Pinaalalahanan naman ang mag-a-apply bilang vaccinators na dumaan lamang sa mga lehitimong recruitment agency para hindi mabiktima ng mga illegal recruiter.