iFM Laoag – Nag-courtesy call si Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong kay Ilocos Norte Governor, Matthew Joseph Marcos Manotoc sa Provincial Capitol dito.
Tinalakay ni Gobernador Manotoc kay Ambassador Gerard ang mga posibleng pagtutulongan at pagkakataon sa mga kumpanya mula Singapore sa Ilocos Norte, lalo na sa pananaw na Pang-ekonomiya, Komersyal, at Negosyo.
Naniniwala rin si Manotoc na maraming matututunan ang mga Ilokano mula sa Singapore sa pagtatamo ng kanilang mga iba’t-ibang organisasyon, disiplina, turismo, at pag-unlad ng ekonomiya.
Idinagdag ni Manotoc sa kanyang press interview na lumaki siya at nakatira sa Singapore sa loob ng anim (6) na taon at itinuturing na “malapit sa kanyang puso ang bansa.”
Tinitingnan din ng Gobernador ang exchange education sa mga Unibersidad at Kolehiyo sa lalawigan at makikipag usap ito sa Singaporean Government sa mga susunod na araw.
Samantala, hinahangad ni Ambassador Gerard na magkaroon ng higit pang serbisyo nang direkta mula Singapore hanggang Ilocos Norte na hindi na kailangang dumaan pa sa Maynila upang mabilisisan ito.
Ang Singapore ay isang mayamang estado at kinikilala bilang “tigre” sa larangan ng ekononiwa sa timog-silangang Asya na patuloy na umuunlad sa buong daigdig at kilala sa pagiging konserbatibo nito at mahigpit sa kanilang batas. ### 𝘽𝙚𝙧𝙣𝙖𝙧𝙙 𝙑𝙚𝙧, 𝙍𝙈𝙉 𝙉𝙚𝙬𝙨