DALAWANG MANGINGISDA NA-RESCUE SA KARAGATAN NG ILOCOS SUR MATAPOS MAHAGIP NG ISANG CARGO VESSEL ANG KANILANG BANGKA

124

Matagumpay na na-rescue sa karagatang bahagi ng Sta Maria, Ilocos Sur ang dalawang mangingisdang nagpalutang-lutang sa karagatan matapos mahagip ng barko ang kanilang sinasakyang Bangka.

Nakilala ito na sina Rey Hugo at Rommel Catabay na mga residente ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, magkasunod na pumalaot ang dalawa sakay ng kani-kanilang Bangka upang mangisda. Ganap na ala-una ng madaling araw habang nasa karagatan ng Bolinao nang mapansin nila na may paparating Cargo Vessel.

Nabangga nito ang kanilang bangka at nakaladkad pa nito ang Bangka ni Rey Hugo hanggang sa tuluyang lumubog.

Nagpalutang-lutang ang dalawa sakay ng sirang Bangka hanggang sa matagpuan sila ng grupo ni Gabriel Dayap Jr habang nangingisda sa karagatan nasasakupan ng Sta Maria, Ilocos Sur.

Sa ngayon nakauwi na ang dalawang mangingisda matapos malapatan ng first aid.



Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga kinauukulan. | ifmnews

Facebook Comments