Babalik muli bilang vice-governor ng Camarines Sur si Imelda Papin.
Ito ay matapos siyang mag-file ng kanyang certificate of candidacy kahapon bilang running -mate ni incumbent Governor Migz Villafuerte.
Sa panayam ng RMN Naga – DWNX, sinabi ni Papin na kailangan ng serbisyo niya ang probinsiya ng Camarines Sur. Kinumpirma din niya na bago nila pinal na pagpasyahan na muling pumasok sa politika ay nag-ikut-ikot muna siya sa iba’t-ibang mga lugar sa probinsiya kasama si Governor Migz sa pagdi-distribute ng Emergency Shelter Assistance (ESA).
Nang tanungin siya kung ano ang reaction niya sa makakalaban niya sa posisyon bilang vice-governor, positibo ang kanyang sagot na kahit sino naman ay pwedeng tumakbo at welcome sa kanya ang sinumang makakalaban na tulad niya ay nagnanais ding magsilbi sa mga taga-Camarines Sur. Ang importante ayon sa kanya, siya ay lalaban dahil mahal niya ang mga constituents ng Camarines Sur at nakahanda siyang manilbihan muli para sa ikabubuti ng probinsiya.
Nagpasalamat din ang sikat na Bikolanang Singer na sa mga nakalipas na panahon, hindi umano nagbabago ang suporta at pagpapakita na mahal siya ng mga taga-Camarines Sur.
Magugunitang si Imelda Papin ay una ng nagsilbi bilang vice governor noong 1998-2004.
Samantala, nakapag-file na rin ng kani-kanilang COCs si re-electionist Governor Migz Villafuerte kasabay ng kanyang amang si incumbent District 2 Representative Lray Villafuerte at susubukan ding makabalik ng kanyang lolo na si Luis “LRV” Villafuerte bilang representative ng 3rd district ng Camarines Sur.
Singer Imelda Papin – Babalikan Muli…ang Pagka-Vice Gov ng Camsur
Facebook Comments