Nagluluksa ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng OPM singer at kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) grand winner na si Jovit Baldivino sa edad na 29.
Nasawi si Jovit dahil sa aneurysm kaninang pasadong alas-kuwatro ng madaling araw sa intensive care unit (ICU) ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.
Ayon sa asawa nito na si Camille Ann Miguel, noong November 22 ay tinamaan ng mild stroke si Jovit, kung saan may enlarged heart siya at namanas ito.
Nagpagaling siya ng limang araw sa nasabing ospital at naimbitahan ito na magperform sa isang christmas party sa Batangas City.
Pero, pagkatapos ni Jovit kumanta ay nakita na lang siyang nakaupo at nakangiwi ang nguso.
Dagdag pa ni Camille, na- comatose si Jovit pagkatapos ng kaniyang operasyon.
Nakilala si Jovit sa larangan ng musika dahil sa kaniyang mga sikat na renditions tulad ng “ika’y mahal pa rin,” “pusong bato,” “mula sa puso,” “faithfully,” at “too much love will kill you”.
Huling napanood sa telebisyon si Jovit noong November 28 bilang isa sa mga celebrity contestant ng family feud.