15 na Positibo sa COVID-19 sa Cauayan City, Nakarekober

Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘fully recovered’ na sa COVID-19 ang labing limang (15) tinamaan ng nasabing sakit sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, gumaling na sa virus si CV3879 ng Brgy Duminit; CV3890 ng Brgy. Bugallon; CV3894 ng Brgy Conception; CV3895 ng District 1; CV3975 ng Brgy. Bugallon; CV3976 ng Brgy. Villa Conception; CV4055, CV4056, CV4058 at CV4068 ng brgy. San Fermin; CV4070 ng Brgy. Cabaruan, CV4072 ng Brgy. District III; CV4087 ng brgy. Turayong; at CV4274 ng brgy. Villa Luna.

Ang 15 na nakarekober ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.


Sa kasalukuyan, mayroon pang 29 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments