Singil sa kuryente, asahan pang tataas sa mga susunod na buwan – ERC

Asahan nang lalo pang tataas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa giyera sa Ukraine at pagsipa ng presyo ng coal na ginagamit bilang panggatong ng maraming planta.

Sabi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera, gumagawa na sila ng paraan para hindi maging masyadong malaki ang epekto nito sa bayarin ng mga consumer.

Kabilang na aniya rito ang pautay-utay na singil sa epekto ng ng pagsipa ng presyo ng langis.


Maliban dito, mas naging mahigpit na rin daw ang ERC sa pagpapataw ng multa sa mga planta ng kuryenteng pumapalya kahit hindi naman naka-schedule.

Sa pagtaya ng Institute for Climate and Sustainable Cities, pwedeng makaranas ng rotating brownout ang Luzon sa Abril at Mayo kung bigla na namang bumagsak ang maraming planta.

Facebook Comments