Halos 200,000 customers ng Maynilad, makakatanggap ng P323 na rebate sa kanilang water bill

82

Makakatanggap ng P323 na bill rebate o balik sa bayad ang nasa 198,315 customers ng Maynilad Water Services inc. na sakop ng Putatan Water Treatment Plant (PWTP) supply zone.

Ito ay matapos pagmultahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang maynilad dahil sa mahabang water service interruption.

Ayon kay MWSS-RO Chief Regulator Patrick Ty, sa pamamagitan ng resolution no. 2022-02-CA ay pinatawan ang Maynilad ng financial penalty na sa nasa halos P64 milyon dahil sa mga biglaan at mahabang water service interruption mula Disyembre 2021 hanggang nitong Pebrero 2022.


Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng mahabang water service interruption ang Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Pasay, Bacoor, Imus, Cavite, Rosario at Noveleta sa Cavite.

Facebook Comments