MANILA – Bababa ng 27 centavos per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.Ibig sabihin, magiging P8.09 per kilowatt hour na lang ang magiging singil ng Manila Electric Company o MERALCO ngayong Enero.Ito na ang pinakamababang singil ng MERALCO, mula noong October 2009.Kaya ang mga bahay na may konsumong 200 kilowatt hour ay makaka-menos ng mahigit P50.Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO – dahil ito sa pagbaba ng generation charge na karaniwang nangyayari kapag nagtatapos ang taonGayunman, may naka-amba namang bad news sa buwan ng marso dahil sa P1.44 per kilowatt hour na taas singil sa kuryente.May kaugnayan pa rin ito sa nakatakdang maintenance shut down ng malampaya gas field mula Jan. 28 hanggang Feb. 18.Kasabay nito, tiniyak ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella – na gumagawa na sila ng mga paraan para hindi maipasa sa consumers ang naturang dagdag singil.Kasama aniya sa kanilang pinag-aaralan ay kung may dapat bang ibigay na rebates ang MERALCO sa mga consumer para maibsan ang posibleng epekto ng Malampaya maintenance shut down.
Singil Sa Kuryente – Bababa Ngayong Enero
Facebook Comments